COVID-19 case sa bansa pumalo na sa 5,223

0
21

Pumapalo na sa mahigit 5,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ayon sa Department of Health (DOH) ay matapos maitala ang 291 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag kayat nasa 5,223 na ang kaso ng nasabing virus sa bansa.

Umakyat na sa 335 ang pinakahuling death toll sa COVID-19 matapos madagdagan ng 20 nasawi sa loob ng 24 oras.

Samantala nadagdagan naman ng 53 ang  bilang ng recoveries sa nakalipas na magdamag at ngayon nasa 295 na.