SM MOA nagbigay-pugay sa mga frontlines

0
23

Nagbigay-pugay ang SM Mall of Asia (MOA) sa mga frontliners sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Isang malaking balloon sa ibabaw ng mall ang makikita ngayon sa MOA kung saan nakasulat ang mga katagang β€“β€œTo our nation’s frontliners, we thank you.”

Samantala, magbibigay rin ang SM Group ng Personal Protective Equipment (PPE) sa mga medical frontliners.

Binubuo ito ng face masks, gowns, visors, hoods, gloves at shoe covers.

May inihahanda ring kahalintulad na package ang SM Group para sa UP Medical Foundation Inc.