Friday, May 3, 2024

Sison binatikos ang MO 32 ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Naniniwala si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison na paghahanda para sa pormal na proklamasyon ng martial law sa buong bansa ang memorandum order (MO) number 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang ipinag-utos ng Pangulo na dagdagan ang puwersa ng militar at pulis sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental maging sa Bicol region na layong masawata ang lawless violence sa mga nabanggit na lugar.

Binigyang diin ni Sison na maituturing ang MO number 32 na panimula ito ng pagsira sa 2019 elections, pagsusulong ng charter change para sa umano’y bogus na Pederalismo at pagkakaroon ng mala-Marcos na diktadurya.

Sinabi ni Sison na ang lawless violence na nangyayari ngayon sa pilipinas ay monopolya umano ng AFP at PNP.

Para kay Sison mismong si Pangulong Duterte ang lumikha ng lawless violence sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’ at ‘Oplan Kapayapaan’.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img