Lizada inakusahan ng LTFRB ng pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa PITX

0
61

Inakusahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB si Board Member Atty. Aileen Lizada dahil umano sa mali at malisyosong alegasyon nito sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Kaugnay ito sa unofficial copy ng LTFRB memorandum circular 2018-022 o MC-22 na inilabas ni Lizada sa mga mamamahayag kaugnay sa biyahe ng mga bus sa PITX.

Una nang inihayag ni Lizada na ang MC 22 ay palsipikadong dokumento at napaniwala ang DOTr na ito ay lehitimo.

Gayunman, itinanggi ito ng LTFRB at maka-ilang beses na rin nilang pina-alalahanan si Lizada na huwag ilabas sa media ang nasabing dokumento.

Nagpadala na rin aniya sila kay Lizada ng revised draft ng memorandum circular 2018-022, kung saan nakasaad na iko-convert sa city operations ang mga prangkisa ng mga bus sa ilang piling lugar sa Bulacan, Cavite at Laguna.