28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Simula na ng pagbibigay ng hustisya kay Generoso ang pagkaaresto ng dalawang suspek — PCOO

- Advertisement -

Naniniwala si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na ang pagkakaaresto sa dalawa sa mga suspek ang simula ng pagbibigay ng hustisya sa pagkamatay ng radio broadcaster na si Dindo Generoso.

Aniya, isa itong “swift and successful” operation na bunga ng pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Dagdag pa ng kalihim, isa itong pagpapakita ng determinasyon ng Administrasyong Duterte na siguraduhin ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa.

Matatandaang dead on the spot si Generoso matapos itong tambangan ng tatlong lalaki habang papunta ito sa istasyon ng radyo sa Dumaguete City, kahapon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -