Lima patay, mahigit 100 sugatan sa pagtama ng magnitude 5.9 na lindol sa Iran

Lima patay, mahigit 100 sugatan sa pagtama ng magnitude 5.9 na lindol sa Iran

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Patay ang lima katao habang 120 ang sugatan sa pagtama ng magnitude 5.9 na lindol sa Iran.

Ini-anunsyo ni Iran Emergency Medical Services Head Pirhossein Koulivand ang naturang bilang ngunit wala nang inilabas na iba pang impormasyon kasunod nito.

Naitala ang epicenter sa Tabriz City sa East Azerbaijan Province, Biyernes ng umaga

Nasa higit 40 aftershocks na ang naitatala matapos ang pagyanig.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations sa mga nasalantang lugar.

0 comment

Related Posts