33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

SFFAII, Handana Sa 21st National Tuna Congress

- Advertisement -

Handa na ang SOCSKSAREN Federation of Fishing Allied Industries Inc o SFFAII sa gaganaping 21st National Tuna Congress sa mga Traade Hall na nasa ikatlong palapag ngSM City General Santos na magsisimula ngayong araw, Setyembre 4 hanggang Setyembre 6, 2019.

Kabilang sa mga inaasahang dadalo sina Department of Trade and Industry Undersecretary Rafaelita Aldaba na mangunguna sa magbubukas ng 21st Tuna Congress Trade Exhibit, Commission on Elections Commissioner Luie Tito F. Guia na mangangasiwa sa panunumpa ng mga nahalal na mga bagong mga opisyal ng SFFAII at ng mga bagong member-organization; Cabinet Secretary Karlo Alexei B. Nograles at Department of Agriculture Secretaty William D. Dar na magsasalita sa plenaryo, Senate Committee Chairperson on Food and Agriculture, Senador Cynthia Villar na tatanggap ng 21 mga resolusyon ng 21st National Tuna Congress, at mga panauhing nasa industriya ng pangingisda mula sa iba’t-ibang lalawigan.

Pag-uusapan sa congress an gang mga problemang hinaharap ng mga mangingisda kabilang na ang pagbabago sa karagatan na mayroong epekto sa bilang, laki at klase ng tuna na nahuhuli sa karagatan ng bansa; mga estratehiya at teknolohiya sa panghuhuli, pangangasiwa at pagbabantay sa mga opersayon; mga polisiya ng bansa at mga karatig-bansa sa pangingisda; at mga paraan para masmapaunlad pa ang industriya ng Tuna.

Maliban sa congress ay hindi na mawawala ang exhibit ng mga produkto ng mga fishing allied industries kung saan maaaring makapamili ang mga bisita at mga Heneral na bibisita sa mga stall na itatayo sa paligid ng trade hall na gaganapan ng nasabing pagtitipon.

Kompyansa parin ang SFFAII na nananatiling Tuna Capital of the Philippines parin ang General Santos dahil sa dami ng mga Tuna processing facilities, Tuna caning companies, malalaking freezing facilities na kayang mga-imbak ng tuna kahit sa loob ng isang taon, pamilihan ng preskong tuna, at mga negosyong may kaugnayan sa Tuna.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -