Radio Philippines Network
DXKT Davao News Provincial News

Serbisyo Ng Pamahalaan Naipaabot Sa Mga Mamamayan Ng Sitio Tubison, Brgy. Sta. Cruz, Davao Del Sur

Davao Occidental – Kasama ang kasundaluhan ng Community Support Program ng 73IB, ibinahagi ng Municipal Agriculture Office ang serbisyo ng gobyerno gaya ng Vegetable Production Seminar, vegetable seeds at vaccination para sa mga alagang hayop sa Sitio Tubison, Brgy. Sta. Cruz, Davao del Sur.

Sa pangunguna ni Mr. Bob Tolentino, Municipal Agriculturist, nagkaroon ng Organic Vegetable Production Seminar para sa People’s Organization na isinagawa dito at nabigyan din sila ng butong-gulay bilang puhunan sa kanilang Vegetable Production. Bilang karagdagan, nagkaroon din ng libreng animal/livestock vaccination.

Napag-alaman na ang Sitio Tubison ay mapupuntahan sa loob ng dalawang oras na paglalakad lamang mula sa sentro ng Brgy. Astorga.

Sa pahayag ni Bob, kanyang ibinahagi na naisakatuparan nila ang programa dahil sa tulong ng ibang ahensya ng gobyerno. Kanya ding sinabi na ang lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz, Davao del Sur ay tutulong sa abot ng kanilang makakaya upang maihatid ang serbisyo ng pamahalaan.

Sa mensahe na nais iparating ng Pinuno ng 73IB na si Lt. Col. Ronaldo G Valdez, “Ang kasundaluhan ang magiging tulay ng mga ahensya at ng kanayunan upang ligtas at sama-samang uunlad ang nasasakupan ng 73IB.”

Isa sa layunin ng programa ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang EO 70 ay ang pag-atas sa mga lokal na pamahalaan na sama-samang tulungan ang mamamayan upang makamit ang kapayapaan. (DPAO 10th ID | OIC Michael Manguhig, RPN DXKT Davao)

Related posts

PDEA Confirms Drug Links of Some Local Officials & Cops

RPN

Pito Ka Jail Guards Sa Provincial Jail Nagpositibo Sa Coronavirus Disease

RPN

Mayor Pursues Creation Of ‘Bacolod City Elem. School’

RPN

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More