September 3 idineklarang working holiday ni Pangulong Duterte

0
46

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang working holiday ang Setyembre 3.

Ito ay bilang paggunita sa pagsuko ng mga sundalong hapon na pinamumunuan ni Tomoyuki Yamashita noong ikalawang pandaigdigang digmaan.

Ang ginawang pagsuko ng pwersang hapon sa Baguio noong 1945 ang siyang naging hudyat ng pagtatapos ng digmaan. Binitay naman si Yamashita noong sumunod na taon sa Los Baños, laguna.