Faeldon nanindigang hindi magbibitiw sa pwesto

0
38

Nanindigan si BuCor o Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon na hindi siya magbibitiw sa pwesto.

Ito ay sa kabila ng kinahaharap na kontrobersiya dahil sa maagang pagpapalaya sana kay dating Calauan ,Laguna mayor Antonio Sanchez sa pamamagitan ng GCTA o Good Conduct Time Allowance.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon at Justice Committee, direktang tinanong ni Senadora Risa Hontiveros si Faeldon kung magbibitiw ito sa pwesto dahil sa kapalpakan sa implementasyon ng GCTA.

Iginiit naman ni Faeldon na kanyang ipauubaya ang pagpapasiya kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nagtalaga sa kanya sa pwesto.

Naniniwala rin si Faeldon na maayos niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin at trabaho bilang BuCor chief.