Senior citizen sa Iriga nabiktima ng grupo ng salisi; 1 sa mga kawatan, tiklo

0
3

Kamuntikan pang mabiktima ng isang grupo ng salisi ang 78-anyos na babae sa San Juan, Iriga City habang ito’y naglalakad sa kasentrohan ng lungsod alas-10 ng umaga nitong Marso 31, 2024.

Sa impormasyon mula sa Iriga City Police Station, habang ang biktima ay mag-isang naglalakad sa sentro ng lungsod, isang grupo ang humarang sa biktima kausapin ito upang mabaling sa iba ang atensyon.

Habang kinakausap, kinuha sa biktima ang suot nitong mamahaling alahas.

Napansin ng isang lalaki sa lugar ang pangyayari at agad nitong tinulungan ang biktima.

Dito na naaresto si alyas Venus, 43-anyos ng Pug-os, Sinait, Ilocos Sur sa tulong ng mga pulis na rumespunde sa lugar habang ang ibang kasamahan ng suspek ay nagsitakas sa magkakaibang direksyon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Iriga City Police Station at nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang mga nagsitakas na suspek. (Emman Lumapag)

Leave a Reply