Friday, May 17, 2024

1 patay, 3 iba pa sugatan sa road crash sa Iriga

- Advertisement -

Dead On-Arrival (DOA) sa ospital ang isang senior citizen sa Iriga habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa nangyaring road crash sa boundary ng Brgy. San Isidro at San Nicolas Iriga City nitong Marso 30, 2024.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Aida Marmol, 72-anyos ng Brgy. Perpetual Help habang sugatan naman sina Jose Veras, 73, ng Perpetual Help, Julie Ann Servino at Myra Servino ng San Isidro lahat sa lungsod ng Iriga.

Sa impormasyon mula sa Iriga City Police Station, habang binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ni Myra at backride nitong si Julie Ann ang kalsada sa nasabing lugar, nang magbigay-daan ito sa isang pampasaherong jeep.

Hindi umano napansin ng dalawa ang paparating na isa pang motor na minamaneho naman ni Jose at backride nitong si Aida rason para ma sideswipe ito.

Resulta nito, nagtamo ang mga imbwelto sa insidente ng sugat sa parte ng katawan at agad isinugod sa ospital para sa karampatang lunas.

Sa kasamaang palad, idineklarang Dead On-Arrival sa ospital ang backride ni Jose na si Aida dahil sa natamong malalang sugat sa katawan.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -