Monday, May 6, 2024

Senate bill 1844 pasado na sa Senate Committee Level

- Advertisement -

Lusot na sa Senate Committee Level ang Senate Bill 1844 o ang panukalang magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para pabilisin ang transaksyon ng gobyerno gaya ng pag-iisyu ng permit, lisensya at mga certification.

Ang naturang panukala ay tugon ng senado sa kahilingan ng Pangulo na amyendahan ang ease of doing business.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, bago dalhin sa plenaryo ang naturang panukala ay hihimayin muna itong mabuti ng Technical Working Group (TWG) at hihingin rin ang panig ng ilang sektor.

Magugunitang sa isinagawang pagdinig sa senado, inatasan ni Zubiri ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na kausapin ang Pangulo at alamin kung ano ang mga solusyon na nais nito upang mapabilis ang mga transaksyon sa ilang ahensya ng gobyerno.

Tugon naman ni ARTA Director General Jeremiah Belgica, na dapat magkaroon ng iisang polisiya ang mga Local Government Units (LGU’s) upang mas mapabilis ang pag-iisyu ng permit sa buong bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img