22 tauhan ng Philippine Navy nagpositibo sa COVID-19

0
138

Nagpositibo sa COVID-19 ang 22 tauhan ng Philippine Navy na sakay ng BRP Quezon sa San Fernando, La Union.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Navy na si Lt. Commander Maria Christina Roxas, sumailalim sa swab test ang 25 sakay ng BRP Quezon nito lamang Setyembre 25 at ngayo’y kasalukuyan nang naka-isolate sa pasilidad sa loob ng Naval Base sa Cavite.

Aniya, ang isa sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay nakararanas ng pag-ubo at sipon habang ang karamihan naman ay asymptomatic.

Tatlo naman sa 25 navy personnel na nag negatibo sa swab test ay kasalukuyang sumasailalim sa 14 day quarantine period.

Samantala, naka-lockdown na ngayon ang BRP Quezon para sa decontamination.