Sunday, April 28, 2024

Senadora Imee Marcos namahagi ng tulong educational sa mga mahihirap na mag aaral sa Baguio at La Trinidad particular na sa Benguet State University

- Advertisement -

(Baguio City-BSU, La Trinidad, Benguet) Si Senadora Imee Marcos ay namahagi ng educational assistance sa Baguio Convention and Cultural Center noong linggo Agusto a 20 ng taong ito. May kabuang 1,000 mag aaral sa kolehiyo mula sa mga maralitang pamilya ang tumanggap ng P10,000 educational assistance bawat isa.

Sa Kanyang mensahe, Ipinaliwanag ng Senadora na ang tulong pinansial ay naghahangad na tumulong sa mga pamilya nasalanta ng Bagyong Egay at ng habagat sa kanilang panggastos sa kanilang pag aaral. Binigyang diin ng naturang Senadora na ang pamumuhunan sa mga mag aaral ay isang magandang negosyo na magagawa natin. Kanyang idinagdag na tulungan natin ang bawat isa at maari ninyong ibigay ang inyong pagtitiwala sa kay Senadora Marcos.

Samantala, nagtungo din ang Senadora upang mamibigay ng educational assistance sa mga mahihirap na mga estudiyante doon particular na sa Benguet State University.

Ang pagbibigay ayudang pinansial ay sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development o ng DSWD. Sa kaugnay na Balita, humigit kumulang sa Isang libong Estudiyanteng taga Apayao nakatanggap ng tulong pinansial mula kay Senadora Imee Marcos.

Bumisita si Senadora Imee Marcos sa probinsiya ng Apayao noong Viernes Agusto a 18, 2023, at namahagi ng P5,000.00 bawat isa sa mga isang libong mag aaral sa kolehiyo doon.

Ang mga binahagian ng tulong pinansial ay ang mga mag aaaral sa kolehiyo na kabilang sa mga pamilyang tinaman ng bagyong Eggay doon. Ang tulong pinansial mula sa Senadora ay naghahangad na tulungan ang mga ito sa kanilang pag aaral at maging ng kanilang pamilya upang maibsan ang kahirapang pinansial na kanilang kinakaharap. Nangako ang Senadora Marcos nang karagdagang P25 million piso sa probinsiya ng Apayao. Kanyang idinagdag na ang P15 million piso ay ipapadaan sa pamamagitan

ng Cash-for-Work scheme, samantalang natitirang P10 million piso ay itatabi bilang emergency fund. Naroon din si Apayao Gov. Elias Bulut Jr. kasama niya ang mga opisyal ng probinsiya at munisipyo upang tanggapin ang Senadora sa Kanyang pagbisita sa Pudtol, Apayao.Si Gobernador Bulut, maging ang buong officialdom ng probinsiya at ng mamamayan ng Apayao ay nagpahayag ng pasasalamat sa Senadora sa patuloy nitong pagsupora na Kanyang ibinibigay. (RPN-DZBS/Joel Cervantes)

Photo credit to BSU

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -