Senador Binay nag-leave bilang president ng UNA

0
52

Nag-leave bilang pangulo ng United Nationalist Alliance (UNA) si Senador Nancy Binay.

Ito ayon kay Binay, ay sa gitna na rin ng ilang development sa partido na hindi naman niya idinetalye.

Sinabi ni Binay na dahil nag leave siya sa una mas mapagtutuunan niya ng pansin ang kaniyang trabaho bilang senador partikular ang pagtutok sa mga nakabinbing panukala niya sa 17th Congress.

Gayunman, tiniyak ni Binay na bilang kandidato ng UNA sa 2019 midterm elections isusulong pa rin niya ang mga adhikain ng partido at hindi aniya mawawala ang Binay brand of service.

Ang pag-li-leave ni Binay ay sa gitna na rin nang tila away ng mga kapatid na sina Makati City Mayor Abby Binay Campos at dating Mayor Jun Jun Binay na kapwa tatakbo naman sa pagka-alkalde sa lungsod.