29.9 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Senado sisikapin tapusin ang pagtalakay sa panukalang 2019 national budget

- Advertisement -

Sisikapin ng Senado na tapusin ang pagtalakay at maipasa ang 2019 national budget bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso para sa Christmas break.

Ito ay matapos na personal na magtungo si Budget Secretay Benjamin Diokno sa Senado para sa agarang pag-apruba ng mahigit P3 trillion national budget sa susunod na taon.

Kasunod ng naging pulong nina Diokno, Senate Pro Tempore Ralph Recto, Senate President Tito Sotto at Majority Leader Migz Zubiri, napagpasiyahan ng mga senador na baguhin ang kanilang kalendaryo para mapabilis ang deliberasyon sa national budget.

Ayon kay Zubiri, sa Disyembre 4 sisimulan na nila ang pagtalakay sa pleanryo ng panukalang 2019 national budget na tatagal lamang hanggang Disyembre 7.

Habang kanilang target na maisalang sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang panukala mula Disyembre 10 hanggang 12 at maratipikahan ito sa Diyembre 13.

Una namang iginiit ni diokno na kinakailangang maipasa na ang national budget bago matapos ang taon dahil posibleng makaapekto ito sa mga proyekto ng pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -