29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

CBCP hinimok ang mga Katoliko na huwag seryosohin ang pahayag ni Duterte sa simabahan

- Advertisement -

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katolikong mananampalataya na huwag na lamang seryosohin o pansinin ang sunod-sunod na mga pag-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa simbahan at mga pari.

Ayon kay CBCP Public of Affairs Committee Executive Secretary Father Jerome Secillano, nais lamang ng pangulo ilihis ang publiko mula sa kabiguan nitong bigyan ng solusyon ang mga problemang nararanasan ng bansa.

Binigyang diin pa ni Secillano, ang kawalan ng kaalaman ni Pangulong Duterte sa mga gawain ng Simbahang Katolika ay nagpapahiwatig na hindi dapat ito paniwalaan o seryosohin.

Kasabay nito, kinontra ni Secillano ang ginawang apela ng pangulo sa mga Filipino na huwag nang magtungo ng mga simbahan at sa halip at magtayo ng sariling kapilya sa kanya-kanyang mga tahanan para doon magdasal.

Sinabi ni Secillano, may mga angkop na lugar para sa bawat partikular na aktibidad ng mga tao tulad ng mga tanggapan ng pamahalaan gayundin sa simbahan kung saan maaaring manampalataya.

Dagdag pa ni Secillano, hindi rin inoobliga ng simbahan ang mga mananampalataya na magbigay ng donasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -