Senado sisikapin maipasa ang sin tax reform bill

0
52

Sisikapin ng Senado na maipasa ang sin tax reform bill bago magtapos ang 17th Congress.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, malaki ang maitutulong ng naturang panukala na lumaki ang pondong malilikom ng pamahalaan.

Bukod dito umaasa rin si Gatchalian na sa pamamagitan ng panukala ay mabawasan ang bilang naninigarilyo sa bansa.

Sinabi ni Gatchalian na prayoridad nilang maipasa ang sin tax sa sigarilyo dahil mas matagal aniya ang talakayan sa sin tax sa alak.

Nabatid na tatlong senador ang naghain ng panukalang batas hinggil sa panibagong pagtataas ng buwis sa sigarilyo at alak.


Umaasang maipapasa ang sin tax reform bill — DOF

Umaasa ang Department of Finance (DOF) na maipapasa ang sin tax bill bago magtapos ang kasalukuyang Kongreso.

Ayon kay Finance Secretary Tony Lambino, bagama’t may anim na sesyon na lamang ang natitira sa 17th Congress, tiniyak pa rin aniya ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kanilang pagsisikapan itong maisulong.

Sinabi ni Lambino na mahalagang maipatupad ang nasabing panukala dahil malaki ang maiiaambag nito sa pondo para sa universal health care program.

——