Mga provincial bus sa EDSA planong lagyan ng window hour

0
48

Balak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lagyan ng window hour ang mga provincial bus sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, ang naturang hakbang ay planong ipatupad habang hindi pa tuluyang napasasara ang mga terminal ng provincial bus sa EDSA.

Epektibo umano ang window hour mula alas onse ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.

Nangungahulagan ito na maaari lamang pumasok sa EDSA ang mga provincial bus sa nabanggit na oras.

—–