Senado planong mag-lockdown bilang suporta sa panawagan ng health workers na i-ECQ ang Metro Manila

0
13

Pinaplano ng senado na mag-lockdown sa loob ng dalawang linggo.

Ito’y bilang pagpapakita ng suporta sa grupo ng mga health worker matapos umapela sa pamahalaan na pansamantalang ibalik ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa matinding pagod na ang kanilang nararamdaman bunsod ng patuloy na pagdami ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon umano sa isang high level senate official na tumangging magpalagay ng pangalan, sa oras na aprubahan ng mga senador ang panukalang lockdown ay maantala o ipagpapaliban ang mga nakatakdang mga pagdinig at imbestigasyon kabilang na ag umano’y iregularidad sa PhilHealth.

Una rito, nagpahayag ang iba’t ibang senador ng kanilang suporta sa panawagan ng mga health worker gaya ni senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na naawa na sa mga doktor at nurse sa mga ospital na punong-puno na ng mga pasyente.

Umapela rin si Senadora Nancy Binay sa Malacañang na tugunan ang paghingi ng saklolo ng mga frontline health worker.