Lahat ng korte sa Metro Manila, ECQ at MECQ areas isasara —SC

0
10

Inanunsyo ng Korte Suprema na isasara ang lahat ng korte sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ sa loob ng dalawang linggo.

Ito ay dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Korte Suprema, epektibo ang anunsyo mula ngayong araw, ika-3 hanggang ika-14 ng Agosto.

Nabatid na isasagawa ang raffle ng mga kaso sa pamamagitan ng videoconferencing.

Sa mga may concern naman umano ay maaaring makontak ang mga korte sa hotline numbers, e-mail o Facebook account na nakapost sa official website ng Korte Suprema.