33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Senado naka-lockdown ngayong araw

- Advertisement -

Naka-lockdown na ang buong Senado simula ngayong araw.

Ito ang inanunsyo ni Senate President Vicente Sotto III matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa mga resource person sa isinagawang public hearing ni Senador Sherwin Gatchalian noong Marso 5.

Ayon kay Sotto, nangangahulugan itong wala munang papapasukin sa Senado at magsasagawa ng disinfection sa lahat tanggapan na nasa loob nito.

Ipinag-utos na rin ni sotto ang pagpapa-trace sa CCTV ng lahat ng mga nakasalamuha ng nabanggit na resource person.

Dagdag ni Sotto, maaaring tumagal hanggang weekend ang lockdown sa Senado at hindi pa niya matiyak kung kailan ito muling magbubukas.

Kasabay nito humingi na ng paumanhin si Sotto sa publiko na maaaring maapektuhan ng ipinatupad na lockdown.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -