Tuesday, May 7, 2024

3 pang Pinoy sa Singapore positibo sa COVID-19

- Advertisement -

Tatlo pang Filipino sa Singapore ang nagpositibo na rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, umakyat na sa anim ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong infected ng virus sa Singapore.

Ayon sa datos ng Singapore Ministry of Health, ang una sa tatlong bagong kaso ay isang 37 anyos na lalaking Filipino na isang Singapore work pass holder.

Batay sa ulat, nagtungo ang nabanggit na pasyente sa Pilipinas noong Pebrero 11 hanggang 19 at Pebrero 23 hanggang Marso 2 para bisitahin ang isang kaanak na may pneumonia.

Ang ikalawang bagong kaso ay isang 35 anyos na Filipina na kamag-anak naman ng nabanggit na 37 anyos na lalaki.

Habang ang ikatlong bagong kaso ay isang 32  anyos na pinay na nagbakasyon sa Pilipinas mula Pebrero 27 hanggang Marso 2 at nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 11.

Kasalukuyan nang naka-isolate sa iba’t ibang mga health facilities sa Singapore ang tatlong Filipino.

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img