34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Senado at Kamara posibleng magbanggan sa isyu ng pagbuwag sa Road Board

- Advertisement -

Namemeligrong magbanggaan ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isyu ng pagbuwag sa Road Board.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, sa panig ng Senado ay tuluyan na nilang binuwag ang Road Board dahil kagustuhan rin ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panig ni Senador Panfilo Lacson, kahit aniya hindi sila pabor sa mga nilalaman ng bersyon ng Mababang Kapulungan sa abolition ng Road Users Tax ay sinundan na lamang nila ito upang mapabilis ang pagpasa ng panukala.

Ang panukalang pagbuwag sa Road Board ay inihain ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa harap ng mga alegasyon ng katiwalian kung saan umaabot umano sa mahigit apatnapung (40) bilyong pisong Road Users Tax ang napupunta lamang sa bulsa ng iilan.

Gayunman, nang maupo bilang House Speaker si Representative Gloria Arroyo, nais nilang ipabawi ang ipinasa nilang pagbuwag sa Road Board.

Dahil dito, lumutang ang kalituhan kung ano ang tunay na estado ngayon ng panukalang pagbuwag sa Road Board.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -