34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Pagnanakaw ng mga armas na ibinebenta sa private armed groups sinisilip na

- Advertisement -

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang pagpapanagot sa mga pulitikong mapatutunayang sangkot sa pagbili ng mga iligal na armas para gamiting panakot sa halalan.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa mag-asawang gun runner na kinilalang sina Edgardo at Rosemari Medel sa Valenzuela City noong Linggo.

Ayon kay Albayalde, aalamin nila kung sino-sino ang mga pulitikong parokyano ng mag-asawa.

Dagdag ni Albayalde, makikipag-ugnayan siya kay Lt. Gen.Macairog Alberto ng Philippine Army para alamin kung may nawawala silang mga armas at bala matapos namang aminin ng mag-asawang Medel na isang retiradong sundalo ang kanilang supplier.

 (Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -