Sen. Imee Marcos hindi inaasahan ang lawak ng epekto ng ‘Ineng’ at Habagat sa Ilocos Norte

0
37

Hindi inaasahan ni Senador Imee Marcos ang lawak ng epekto sa Ilocos Norte ng Bagyong Ineng at hanging habagat.

Inamin ito ni Marcos, dating gobernador ng lalawigan kayat kailangan nang baguhin ang drainage system sa mismong lungsod ng Laoag at mga pangunahing lugar sa Ilocos Norte.

Sinabi ni Marcos na makikipag tulungan siya sa anak na si Governor Matthew Marcos Manotoc para sa implementasyon ng mga kinakailangang hakbang para hindi na maulit ang matinding epekto ng bagyo at habagat sa kanilang lalawigan.