Pangulong Duterte ipinag utos na wag palayain si Sanchez

0
47

Ipinag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Justice Secretary Menardo Guevarra at Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon na huwag palayain si Convicted Rapist Murderer Antonio Sanchez.

Ito ayon ito kay Senador Bong Go ang kaagad naging aksyon ni Pangulong Duterte nang mabatid ang posibilidad ng paglaya ng dating alkalde ng Calauan, Laguna.

Sinabi ni Go na nagalit ang pangulo sa mga report na posibleng mapalaya si Sanchez sa dahilang pinababa ang sentensya nito matapos umanong magpakita ng kabaitan o good conduct sa kulungan.

Naniniwala aniya ang pangulo na si Sanchez na gumawa ng heinous crime na hindi sakop ng Republic Act 10592.