Tuesday, May 7, 2024

Seguridad sa UST muling hinigpitan bunsod ng ikalawang araw ng bar exams

- Advertisement -

Bantay sarado pa rin ang paligid ng University of Sto. Tomas (UST) sa lungsod ng Maynila para sa ikalawang linggo ng 2018 bar examinations.

Kumpara nuong nakalipas na linggo, mas marami ngayon ang mga taga-suporta ng bar examinees na nagtungo sa lugar bitbit ang tarpaulines habang ang ilan ay mayruon pang dalang imahe ng Sto. Niño.

Maaga pa lamang, nakaposte na ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na hindi bababa sa 3,000 upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa kasagsagan ng pagsusulit.

Muling pinayuhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na maghanap muna ng mga alternatibong ruta dahil sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Kasalukuyang ipinatutupad naman ng MPD ang stop and go traffic scheme sa mga kalye ng Padre Noval, ah Lacson at España Boulevard para naman sa drop off at pick up time para sa mga examinees.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img