DOJ posibleng kasuhan ang hinihinalang rice smuggler na si Bangayan

0
51

Posibleng sampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) sa susunod na linggo ang hinihinalang rice smuggler na si Davidson Bangayan o David Tan.

Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, inaayos na nila ang impormasyon ng kasong isasampa kay Bangayan.

Sa naging resolusyon na isinulat ni Senior Deputy State Prosecutor Miguel Gudio Junior, mayroong probable cause para makasuhan si Bangayan kasama ang limang iba pa kaugnay sa rice monopoly.

Nagmula ang kaso sa naging imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na gumamit sa bangayan at kanyang mga kasama ng iba’t ibang mga samahan ng mga magsasaka bilang dummy para makapag bid sa National Food Authority (NFA) para makapag angkat ng bigas.


Senador ikinagalak ang planong pagsampa ng kaso laban kay Bangayan

Ikinagalak ni Senador Cynthia Villar ang planong pagsasampa ng kaso laban kay Davidson Bangayan o David Tan kaugnay sa rice smuggling sa bansa.

Ayon kay Villar na chair ng Senate committee on agriculture and food, malinaw ang nagiging mensahe ng gobyerno na seryoso ito sa paghabol sa mga abusadong negosyante.

Naniniwala si Villar na malakas ang kaso ng Department of Justice (DOJ) laban kina Bangayan at limang iba pa.

Panahon na aniya para mapatunayan ng gobyerno na mayroong mapapanagot sa mga pagpupuslit ng bigas sa bansa.