Friday, May 17, 2024

Seguridad sa Sultan Kudarat hinigpitan

- Advertisement -

Hinigpitan na ang seguridad sa ilang lugar sa Sultan Kudarat kasunod pagsabog sa palengke ng Isulan.

Kabilang dito ang paligid ng simbahan ng Nuestra Señora Dela Candelaria sa Tacurong City kung saan nagtalaga na ng mga pulis, sundalo at iba pang armed personnel carrier.

Inaabisuhan din ang mga residente sa lugar na maging maingat at iwasan muna ang mga matataong lugar.

Magugunitang, pito ang nasugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) na inilagay sa tabi ng isang motorsiklo sa Isulan public market noong Sabado ng umaga

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -