Saturday, May 4, 2024

Seguridad sa selebrasyon ng Mother’s Day tiniyak

- Advertisement -

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa kalakhang Maynila para sa pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong Linggo, Mayo 12.

Ito ay kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga malls, amusement parks, kainan at iba pang pampublikong lugar sa nabanggit na araw.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, makatitiyak ang lahat ng isang mapayapang selebrasyon para sa mga ina, ang pinakanatatanging babae sa buhay ng bawat isa.

Aniya, nagtalaga na sila ng mga pulis sa mga strategic na lugar para makapagbigay ng seguridad at tulong sa publiko.

Pinaalalahanan din ni Eleazar ang lahat laban sa mga posibleng magsamantala kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img