6 months implementation ng Angkas at motorcycle taxis aprubado na

0
44

Maaari nang makapagsimula ng kanilang operasyon ang motorcycle hailing application na Angkas sa Hunyo.

Ito ay matapos na aprubahan na ni Transportation Secretary Arthur Tugade Ang guidelines para sa pilot operation ng mga motorcylce taxi sa bansa batay na rin sa rekomendasyon ng kanilang binuong technical working group noong Disyembre.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sakop ng anim na buwang pilot implementation ang buong Metro Manila at Metro Cebu.

Anila, gagamiting batayan ang isasagawang pilot implementation ng motorcycle taxi operations sa mga nakabinbing panukala sa kongreso kaugnay ng regulasyon sa nasabing industriya sa bansa.

Samantala, sinabi naman ni Tugade na patunay ang ginagawa pag-apruba sa pilot implementation ng operasyon ng mga motorcycle taxi sa pakikinig at pagtugon ng gobyerno sa hinaing at panukala ng publiko.

—–