33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Seguridad, proteksyon sa mga media workers isinusulong

- Advertisement -

Muling isinulong ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pagtitiyak sa seguridad, kinakailangang proteksyon at benepisyo para sa mga manggagawa sa media industry.

Ito ay sa gitna na rin ng pakikipaglaban ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kaugnay nito, muling nanawagan si pcoo undersecretary joel egco sa kongreso na ipasa na ang panukalang media workers’ welfare act.

Ayon kay Egco, sa kabila ng dalang panganib ng nararanasang COVID-19 pandemic sa bansa, patuloy pa rin sa pagtatrabaho ang mga media personnels para magampanan ang kanilang tungkulin na maghatid ng balita.

Iginiit ni Egco, ito ang panahon na makikita ang pangangailangan para sa pagpasa ng batas na tutugon sa pangangailangang seguridad at titiyak sa kalagayan ng mga media workers.

Sa ilalim ng house bill 2746 o proposed media workers’ welfare act, pagkakalooban ng mandatory additional insurance benefits ang mga media workers sa pamamagitan ng sss at gsis, death at disability benefits at reimbursement sa medical expenses.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -