28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Wuhan City sa China hindi na nakasailalim sa lockdown

- Advertisement -

Maaari nang muling bumiyahe palabas at papasok ng Wuhan City sa China ang lahat ng mga residente sa lungsod.

Kasunod ito ng ganap ng pagtanggal sa ipinatupad na lockdown sa Wuhan City na siyang pinagmulan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic matapos ang 11 linggo o halos tatlong buwan.

Epektibo 12:00 kaninang madaling araw sa China, nang muli ng buksan ang mga border sa nabanggit na lungsod.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng isang light show sa magkabilang panig ng Yangtze River kung saan makikita sa mga matataas na gusali at mga tulay ang animated images ng mga health workers habang nag-aalaga ng mga pasyente.

Iwinagayway din ng mga taong nasa tulay at dike ng ilog ang bandila ng China habang kinakanta ang kanilang national anthem.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -