Seguridad ng PNP para sa nalalapit na halalan nakalatag na

0
52

Kasado na ang ipatutupad na seguridad ng PNP o PhilIippine National Police para sa nalalapit na halalan sa Mayo 13.

Ito ang pagtitiyak ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac, kung saan aabot sa 1,060 pulis ang ipakakalat ng PNP sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kasabay nito, sinabi rin naman ni Banac na nanatiling nakataas ang full alert status ng PNP partikular na sa Mindanao, habang naka-heightened alert naman ang mga pulis sa Metro Manila, at iba pang lugar na mababa lamang ang insidente ng karahasan.

Samantala, sinabi naman ni Banac na ipinauubaya na nila sa mga regional directors ang pagtataas ng aletro sa kanilang mga nasasakupang lugar.

(with report from Jaymark Dagala)