Security of Tenure bill muling isusulong sa kongreso

0
45

Muling isusulong ng mga mambabatas ang Security of Tenure bill sa ilalim ng kasalukuyang kongreso.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, kabilang sa panukalang batas ang probisyon ng 6-term employment.

Sa pamamagitan aniya nito, inaasahan na matutuldukan na ang kontraktwalisasyon sa bansa at mabibigyan din ng tamang benepisyo ang mga manggagawa.

Kasabay nito, nilinaw ng senadora na hindi layon ng panukalang batas na pasakitan ang operasyon ng mga employer.