35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

School Buildings Sa Bicol Region Kailangan Ng Ire-Design Ayon Sa Ilang Kongregista

- Advertisement -

Patuloy na itinutulak ng ilang kongresista na miyembro ng Special Committee on Bicol Recovery and Economic Development tulad nina CamSur 2nd District LRay Villafuerte at Taguig Representative Lani Cayetano ang pagrere-design ng mga school buildings sa Bicol Region upang maging mas matatag na ito sa anumang uri ng kalamidad.

Dahil base sa datus na ipinahagi ni DepEd Regional Director Gilbert Sadsad umabot na sa mahigit 11 bilyong piso ang danyos na dulot ng magkakasunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses sa sektor ng edukasyon. Ayon sa tala ng DepEd Bicol umabot sa 2,454 ang bilang ng paaralang may infra damages, 2,599 ang totally damaged classrooms na kailangan ng palitan, 5,781 naman ang may major damages na kailangang kumpunihin at 6,078 na silid-aralan naman kaya pang ayusing paaralan. Kung susumahin, nasa ₱ 10,648,500 000.00 ang naging danyos ng kalamidad sa infrastructure at ₱ 394,454,550.00 naman sa non-infra sa edukasyon. Ayon pa sa ulat, isa ang probinsya ng Camarines Sur ang pinaka naapektuhan ng mga bagyong dumaan.

Tumugon naman agad si Department of Public Works and Highways  (DPWH) Regional Director Virgilio Eduarte na magsusumite sila ng bagong disenyo ng school buildings sa central office na kaya ang 300kph na bugso ng hangin.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -