30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

SC tinapos na ang oral argument sa petisyon ng pagkalas ng PH sa ICC

- Advertisement -

Tinapos na ng Korte Suprema ang oral argument sa petisyon kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC).

Kasabay nito, binigyan ng Korte Suprema ng 30 araw ang magkabilang panig para makapaghain ng memorandum kaugnay sa usapin bago ito ikunsiderang submitted for resolution.

Sa naging pagharap naman ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida sa oral argument, iginiit nitong walang nilabag na probisyon sa saligang batas si Pangulong Rodrigo Duterte nang abisuhan ang United Nations (UN) secretary-general hinggil sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute.

Malinaw aniya sa section 21 ng article 7 ng konstitusyon na kailangan ng pagsang-ayun ng Senado kapag papasok sa isang international treaty o kasunduan ang Pilipinas. Pero wala naman aniyang nakalagay na kailangan din ito kung kakalas na ang bansa.

Dagdag ni Calida, ginagawa lamang ni Pangulong Duterte ang kanyang kapangyarihan sa ilalim ng batas bilang punong tagapagpatupad ng foreign policy ng bansa nang magpasiyang kumalas sa bansa.

Samantala, ipinunto naman ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na siyang namuno sa oral argument, na wala nang ibang tatakbuhang international court ang bansa sakaling tuluyan nang sakupin ng China ang Pagasa Island sa West Philippine Sea.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -