Sapat na suplay ng tubig mula sa Angat Dam tiniyak ng NWRB

0
32

Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) ang sapat na suplay ng tubig mula sa Angat Dam hanggang sa Hunyo.

Ginawa ng NWRB ang pagtiyak sa harap ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam lalo na sa kasalukuyan na sobra ang init ng panahon.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., nasa mahigit 189-meters pa ang lebel ngayon ng Angat Dam na maituturing na normal at makakatugon sa pangangailangan sa tubig ng Metro Manila at karatig lalawigan.