4 preso sa MPD nagpositibo sa COVID-19

0
19

Apat na preso sa Manila Police District (MPD) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang mga preso na may edad 19, 26,37 at 43 ay napag-alamang nailipat na sa Delfin Sports Complex  quarantine facility sa Tondo, Maynila.

Ang apat na nagpositibo ay kabilang sa mga isinalang sa rapid testing noong April 27 kung saan walo ang lumabas na positibo.

Muling isinalang sa testing ang walong nagpositibo kung saan lumabas na apat lamang ang positibo sa COVID-19.

Samantala, bagamat negatibo naman sa COVID-19, inihiwalay na rin sa iba pang nakakulong ang apat na nagpositibo sa rapid test.