Monday, May 6, 2024

Sandra Cam hindi sisibakin sa pwesto ni Pangulong Duterte ayon sa Malakanyang

- Advertisement -

Tinabla ng malakanyang ang naging hamon ni Senadora Leila De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang plano si Pangulong Duterte na patulan ang senadora.

Aniya, kanila na lamang ipauubaya sa Ombudsman ang pag-iimbestiga kay Cam dahil may nakasampa nang kaso laban dito.

Dagdag ni Panelo, hindi na rin kinakailangang pang magsagawa ng sariling imbestigasyon ang Malakanyang at hahayaan na lamang ang Ombudsman na gampanan ang mandato nito.

Magugunitang hinamon ni De Lima si Pangulong Duterte na sibakin sa pwesto si Cam matapos ireklamo sa Ombudsman kaugnay ng kwestiyonableng pag-aari umano nitong resorts sa Masbate na nagkakahalaga ng 500 milyong piso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img