31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Law expert kinontra ang pahayag ng Palasyo kaugnay sa reklamo vs. Xi Jinping sa ICC

- Advertisement -

Kinontra ng Maritime Law Expert na si Professor Jay Batongbacal ang pahayag ng Malakanyang na isang futile exercise o walang saysay ang pagsasamapa ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jin Ping sa ICC o International Criminal Court.

Ayon kay Batongbacal, masasabing nagkaroon na agad ng epekto ang inihaing reklamo nina dating foreign affairs secretary Albert Del Rosario at dating ombudsman Conchita Carpio Morales sa ICC.

Nagawa aniya nitong ipagbigay alam sa publiko na nagpapatuloy pa rin ang mga aktibidad ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.

Dagdag ni Batongbacal, pinatunayan rin ng naturang reklamo sa ICC na walang ginagawang hakbang ang pamahalaan para pagbayarin ang China sa idinulot na pinsala sa kalikasan ng kanilang mga isinagawang military activities sa West Philippine Sea.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na mabibigo lamang sina Del Rosario at Morales dahil walang aniyang hurisdiksyon ang ICC sa China.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -