31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Sandara Park nakasama ang Star Circle Quest co-finalists sa kanyang birthday

- Advertisement -

Nagkaroon ng mini-reunion si Sandara Park at dalawang co-finalists ng Star Circle Quest na si Raphael Martinez at Joross Gamboa.

Kasalukuyang nagbabakasyon si Dara sa Pilipinas kasunod ng paggugunita rin nito ng kanyang ika-35 kaarawan nakaraang November 11.

Ibinahagi ni Raphael ang kanilang litrato sa pamamagitan ng Instagram post at may caption itong pagbati kay Sandara maging kay Joross na malapit na rin ang kaarawan.

Samantala, matatandaang naging bahagi si Dara sa first teen edition ng Star Circle Quest noong taong 2004 bago pa man ito maging miyembro ng Korean pop girl group na ‘2ne1’.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -