‘Oplan Tokhang’ ‘di aalisin ni Robredo — VP spox

0
10

Hindi aalisin ni Vice President Leni Robredo ang ‘Oplan Tokhang’.

Ayon sa tagapagsalita ng bise presidente na si Atty. Barry Gutierrez, nais ni Robredo na mabago lamang ang konsepto ng publiko kaugnay sa ‘Oplan Tokhang’ na may namamatay at nadadawit na mga sibilyan sa mga ikinakasang operasyon dahil ito aniya ang mukha ng kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan.

Gayunman, tanggap aniya nito ang reyalidad na hindi maiiwasang may masasawi kung sakaling may manlaban na suspek at malagay sa panganib ang mga buhay ng pulis o sibilyan.

Samantala, hindi naman aniya prayoridad ng bise presidente ang pagpapalit sa pangalan ng ‘Oplan Tokhang’.