28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

SAF ipinadala na sa Samar at Bicol kasunod ng Memo 32 ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Nagpadala na ng aabot sa 400 miyembro ng Special Action Force (SAF) ang Philippine National Police (PNP) sa bahagi ng Bicol at Samar.

Ito ay bilang pagtalima sa Memorandum Order No. 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aatas sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP na magdagdag ng puwersa sa limang lugar sa bansa para mapigilan ang anumang lawless violence.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, tig isang company ng SAF troopers ang kanya nang ipinadala sa Samar at Bicol Region habang mga naka-stand by na rin sa Negros sakaling kailanganin naman ng karagdagang puwersa sa Mindanao.

Samantala tiniyak naman ni PNP Spokesperson Senior Supt. Benigno Durana na tanging target ng mga itinalagang karagdagang puwersa ang mga komunistang rebelde at iba pang lawless groups.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapakalat ng tropa ng militar at pulis sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region dahil na rin sa serye ng pag-atake ng mga rebelde sa mga nabanggit na lugar noong nakaraang buwan.


Memo 32 ni Pangulong Duterte walang kinalaman sa darating na eleksyon

Tiniyak ng Malakanyang na walang kaugnayan sa halalan sa susunod na taon ang ipinalabas na Memorandum Order No. 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang kautusan sa PNP at AFP na magdagdag ng puwersa sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw na nakasaad sa memorandum order na bibigyan ng respeto ang bawat inidibiduwal habang tinitiyak ang proteksyon sa karapatan ng bawat isa na mabuhay ng mapayapa.

Dagdag ni Panelo, dapat pa nga aniyang ikatuwa ng mga kritiko ng pangulo ang naging hakbang nito dahil nagpapakita itong may ginagawa ang pamahalaan para masigurong ligtas ang mga nabanggit na lugar mula sa karahasan bago pa man ang eleksyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -