22-year-old OFW nasawi matapos mahulog sa isang gusali sa UAE

0
46

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng isang 22-year-old na overseas Filipino worker (OFW) matapos mahulog sa isang gusali sa United Arab Emirates (UAE).

Batay sa nakuhang impormasyon ng DFA mula kay Dubai Consul General Paul Raymond Cortes, nahulog mula sa third floor ng isang gusali sa Ajman ang babaeng OFW noong Nobyembre 23.

Isinugod pa ito sa Sheikh Khalifa Hospital pero idineklara na ring dead on arrival.

Tiniyak naman ni Cortes na nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaanak ng nasawing Filipina kasabay ng pagpapaabot ng kanilang pakikiramay.

Kanila rin aniyang tinututukan ang isinagsawang imbestigasyon ng mga otoridad sa Ajman para sa imbestigasyon sa naging dahilan ng pagkamatay ng nabanggit na Filipina.