Saturday, May 4, 2024

Sabio handang tumestigo laban kay Trillanes

- Advertisement -

Handang tumestigo laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV si Atty. Jude Sabio.

Matatandaang si Sabio ang nagsampa ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban sa war on drugs ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Sabio, kinukuha siya umano ni Trillanes bilang abogado ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy nang pumutok ang isyu kaugnay sa “ang totoong narcolist video” noong Abril, ngunit kanya itong tinanggihan.

Dagdag pa ni Sabio na may sama siya ng loob sa Senador dahil sa hindi pagbabayad nito sa pagkuha sa kanya bilang abogado ng whistle blower na si Edgar Matobato.

Samantala, mariing itinanggi naman ni Trillanes na may hinawakang kaso si Sabio para sakanya dahil mayroon aniya s’yang sariling abogado.

Sa panulat ni Lyn Legarteja

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img