Ryza Cenon engaged na nga ba?

0
78

Masayang ibinalita ng aktres na si Ryza Cenon na “engaged” na siya.

Gayunman, nilinaw ng dalaga na ang singsing ay galing lang din sa kanya at ito’y regalo niya sa kanyang sarili.

Aniya, ito’y tanda ng kanyang full commitment na mamahalin niya muna ang kanyang sarili bago niya ibibigay ang kanyang puso sa sinumang lalaking magmamahal sa kanya nang tunay.

Noong Pebrero ng taong kasalukuyan ay inamin din ni Ryza na hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Pocholo Barretto.

Magugunitang unang ginamit ni Hollywood star Emma Watson ang terminong “self-partnered” kamakailan kung saan niregaluhan niya rin ang kanyang sarili ng engagement ring bilang patunay na hindi pa niya nahahanap ang kanyang “Mr. Right.”