Isang 3 taong bata patay matapos mahulog sa malaking kawa sa India

0
21

Patay ang isang 3 taong gulang na bata matapos mahulog sa malaking kawa sa Telangana State, India.

Ayon kay Shabad Police Inspector G. Narsaiah, dumadalo sa party ang hindi pinangalanang bata nang aksidente itong mahulog sa kawa na pinaglulutuan ng ulam.

Matatandaang noong Nobyembre 13 ay isang 6 na taong gulang na mag-aaral naman ang nasawi makaraang madulas at mahulog din sa kawa na puno ng sambhar na kilalang ulam sa India.

Patuloy ang imbestigasyon sa mga naturang insidente.